"LIBRONG KUMIKINANG"
ni: ISRAEL,MERCY A.
Nabubuhay ng hindi siya kilala
Sa dilim,naglalakad pa ng mag-isa
Miserable buhay na kinamulatan
Nagtatanong sa iba't naguguluhan
Nagnanais tunay na kaligayahan
Kapangyarihan kaya ang kailangan?
Pera ba ang siyang dapat mahawakan?
O maging sa tagumpay at kasikatan?
Isang maliit na libro ang naaninag
Sa mataý kumikinang, di natitinag
Pinagmasda't may gustong maalala
Galing pala sa Ginang na basurera
Pilit na binasa kahit umaayaw
Mga luha ay unti-unti ng umapaw
Ang ulo ay parang inuntog sa bato
Nakalaya sa pagkukulong ang puso
SIYA, tanging dahilan ng pagdurusa
Pagkat hindi tinanggap regalong dala
Napakaliwanag ng ilawang alay
Para sana sa masukal na paglalakbay
Tunay na kaligayahan, natagpuan
Wala sa pera,ginto o kayamanan
Kahit sa kasika't kapangyarihan
Sapagkat SIYA ang kinakailangan
Nag-antay SIYA at di man lang nang-iwan
Kumakatok ngunit hindi siya pinagbuksan
Ngayon ay nagsisisi at handa na
PANGINOON sa buhay ko'y mamuhay ka.
Martes, Marso 31, 2015
Miyerkules, Marso 25, 2015
"KAIBIGAN"
ni; Rina Mae Cariño
Mahirap hanapin ang mabuti at tunay na kaibigan
Ang iba'y andiyan lang sa tuwing may kasiyahan
Kapag dumating ang kagipitan at kabiguan
Kikilabutan ka't iyong malalaman,
ang mga kaibigan iyong inaasahan
Ay babaliwalahin, tatalikuran ka't hahayaan.
Kung kailangan mo ng masasandalan at may isang
daang hakbang sa ating pagitan,
Kunin mo ang isang hakbang upang ako'y malapitan
At ako naman sa siyam napu't siyam na hakbang para
ika'y mapuntahan
Hindi man ako sing 'close' nang close friend mo
Sing 'daBhest' ng bestfriend mo,
Hindi man sing perpektong kaibigan na pwede mong takbuhan,
Lagi mong tatandaan na andito lang ako palagi kapag
kailangan mo nang kaibigang masasandalan
Dumaan man ang maraming panahon
Dumating man ang bagong henerasyon
Magdaos man ng gulo't rebolusyon
Ako pa rin ang kaibigan mong lubos, noon hanggang ngayon!
UNKNOWN
ni: Kathleen Kate Pabia
Nakaupo sa isang sulok
Nakakatitig sa kawalan
Sabay sa pagpatak ng luha
Ang pagbalik ng nakaraan.
Hindi ko lubos maisip
Ako ba ay nagkulang?
Ikaw ba'y napabayaan?
Bakit tila ako lamang ang nasasaktan?
Ganyan, ganyan ang aking naramdaman
Nang ako'y iyong iwanan
Hindi ba't masyadong mabilis at biglaan?
Umalis ka nang hindi nagpapaalam.
Nasaan kana?
Ako'y iyong masdan.
Nag-iisa at walang sigla.
Ikaw ba'y matutuwa o maaawa?
Sa loob loob ko'y nagtatanong,
BAKIT DUMATING KA PA?
BAKIT NAKILALA PA KITA?
kung mang iiwan ka lang pala.
Kailangan ba talagang
maranasan ko ang ganito?
Ang masaktan at lumuha?
Talaga namang ang lupit mo TADHANA!
Martes, Marso 24, 2015
TIGSIK
ni : Archie R. Piloneo
Tigsik ko ang samuyang klase aba anang riribok mi permi
Saro na ako duman na dae mapahuri
Kami maugma permi, kaya dae ka magiging lonely
Kaya kung permi kang tuninong sa klase, mag asa ka nang permi kang OP.
Tigsik ko man ang mga kaklase kong para DOTA
Kada vacant nasa LEE VI'S permi sinda
Kung subject sana ang pagdoDOTA baad FLAT1 na grades ninda
Kaya kung maghapot ka sa klase kung isay regular sa LEE VI'S permi sarabay masabing si JOSE.
Ako naugma, QUALIFYING EXAM mayo na daa
Bako sa rason na dae ko kaya
kundi habo ko na mabawasan ang SE1A na mga BOA-BOA
Ta saro sinda sa nagpapaugma sako ning sobra sobra.
Tigsik ko ang FILIPINO subject na an
Ta tigmamaliit ko sana pati an
Pero kas nag-abot si SIR LIBANG
Ipinamukha niya samo na ang FILIPINO subject na dae tig "FILIPINO SANA AN"
Digdi tigtapos ko na ang sakuyang tigsik
Guys sana dae magbag'o ang satong pag-iriba
Tsaka sana maugma kamo sa sakong OBRA
Tanganing halangkaw ang marka ko na makua
Sabado, Marso 21, 2015
"Kabataan ngayon,Nasaan ka?"
NI: MARY JINE A.NAREZ
Mga kabataan ngayon,
Ohh aking kapwa mga kabataan,
Nasaan kayo ngayon?
Ngayon na tayoy kailangan ng bayan.
Ohh aking kapwa mga kabataan,
Nasaan kayo ngayon?
Ngayon na tayoy kailangan ng bayan.
Nasaan na ang sinasabing pag-asa ng bayan?
Ngayon ay nakalugmok sa karimlan,
Halina't magpakatatag at bumangon,
Mga unos at dagok ay labanan.
Ngayon ay nakalugmok sa karimlan,
Halina't magpakatatag at bumangon,
Mga unos at dagok ay labanan.
Sa kahirapan tayo ay umahon,
Edukasyon ang nag-iisang sulosyon,
Pag-aaral ay ating unahin,
Mga magulang ay wag biguin.
Edukasyon ang nag-iisang sulosyon,
Pag-aaral ay ating unahin,
Mga magulang ay wag biguin.
Halina't imulat ang ating mga mata,
Sa mga realisasyong nagaganap na,
Tayo na at makibaka,
Sa pagsubok ng bawat isa.
Sa mga realisasyong nagaganap na,
Tayo na at makibaka,
Sa pagsubok ng bawat isa.
Linggo, Pebrero 22, 2015
Jeepney ng buhay ko! By: Andyl Joy Negro
Ang Buhay ay isang mahabang paglalakbay...
“Beep! Beep! Beep!”
“PSU! PSU! Oh Goa diyan!”
“Oh dalawa na lang lalarga na!”
“Kaysa pa isa, usog lang ng
unti!”
Maingay, mainit, maalikabok… Iyan
ang buhay sa jeepney. Mga pasaherong papunta sa iba’t-ibang distinasyon. Iyan
ang lagi kong nararanasan bilang isang beteranong pasahero ng jeepney ni manong
driver sweet lover (eww!). bawat araw ko pilang pasahero ay isang bagong
experience na tumatatak sa katauhan ko bilang Noypi!
Nagsisimula ang buhay pasahero sa
parkingan nito. Hindi lang ako ang umaabang sa ala mercedez benz ni manong
driver, mangilan-ngilang estudyante, guro, magulang, tinder at siyempre ang
siempleng tambay sa tindahan ni aling Nena. Tsimpohan rin sa pag-abang sa
jeeepney, kaya wag ka laging pahuhuli! Baka matapat ka sa tambutsuhan, baka
mabugahan ka ng “FREE-PERFUME” na dinaig pa ang /bench at aficionado sa sobrang
bango! Pramess!
Isa lang naman ang ayaw kong
challenge bilang pasahero: ANG MAKIPAG-UNAHAN SA PASAHERO! Para ata akong
sumali sa 1 vs 100 sa tindi ng tulakan! Tinalo pa ang stampeded sa LRT at MRT.
Feel ko tuloy para akong Last minute shop sa Divisoria, ayos diba? Minsan buwis
buhay pa kasi pasahero na mismo ang umaabang sa humaharurot na jeep!
Speaking of pasahero, Marami-rami na
rin akong na obserbahan sa kanila at klinasify ko pa ang katauhan nila!
·
Unli
FB-
pasaherong laging nakaonline kadalasan sa android pone nila. Sila rin yung
kadalasang nakakalampas sa distinasyon nila (#FBPaMore!).
·
The
Emo-
yung mga pasaherong nakaside-view habang dumudungaw sa bontana na akala mo may
shooting sa MTV para sa bagong music video. Additional points kung may hawak
pang gitara o kaya naman ay naka headset.
·
MTV-
yung
laging naka earphone o kung mayaman eh naka headset na kasing laki ng platito.
Minsan ay may pa “beat-beat” pa at kung talagang feel na feel na sa music,
nangli- lip-sync
·
Bubble
Gang- AKA
“Arkilado-nila-ang-jeep” Gang. Sila yung grupo ng pasahero (kadalasan
estudyanteng malalandi! ^___^V peace!) na di nauubusan ng kwento na kala mo
hindi nagkita ng ilang dekada! Sila rin ang tinaguriang “Center of Destruction”
sa jeepney, at kadalasang epicenter ng tsismis!
·
Friendship-
sila ang mga kakilala mong hindi nakakalimut! Hindi sapat sakanya ang smile
lang, kasi marami siang kwentong pasalubong sayo buhat ng matagal na pagkalayo.
·
E=mc2-
tina-
tinaguriang “Long lost brother” ni Einstein. Sila yung walang sawang kakaa-aral
kahit pasabugin pa ng MILF ang jeep!
·
Messenger-
pinsan
nila Unli FB at MTV . Ang kaibahan nga lang, todo-todo ang pag-text at kung
mayaman eh may call pa!
·
Forget
me yes!- opposite sia ni friendship. Sia ang ayaw mong
makita kasi kahit tawagin mo na’y wa epek pa rin.
·
No
other woman- AKA “kabit” ng jeep! Sila ang taga
kabit sa jeep ni manong!
·
Shop
‘til you drop- sila yung akala mo eh namakyaw na ng mga
tindahan sa Divisoria!
·
Freer
taste section- mga mababaeng may mahahabang buhok na
kala mo may free taste ng bagong brand
ng noodles.
·
Artist
of the year- mga reklamador awardee. Sila yung
madikitan lang ng unti eh nanermon na na kala mo menoposal! Minsan ay may irap
pang kasama! Pang FAMAS award eh!
·
Lovers
in Paris- magkasintahang tudo kung maglandian este maglambing
na kala mo gumagawa ng movie sa jeepney! Di rin maiwasan na pandirian at
tsismisan ang ganitong klase ng pasahero. PDA kasi eh!
·
Parabolic
Section- (note: para lang to sa lalaki) sila yung mga manong
na kung makabukaka eh wagas! Sila rin ang palugi ki manong kasi imbes na
dalawahan eh nagiging isahan na lang!
·
May
hang-over sa NEW YEAR- sila ang pinakaayaw mong katabi
dahil sa taglay nitong lakas na kayang talunin ang sinumang superhero dahil sa
paPUTOK nito!
At siempre di rin mawawala ang…
·
Kinawawa-
sila yung kadalasang 2 inches na lang ang inuupuaan. Lugi
sila sa pamasahe at nagiging inipit kapag nagpreno ang jeep!
Sa
dinami daming ng aking minahal este co-pasahero ko, masasabing ang simpleng pag-sakay
sa jeepney ay sumasalamin na sa buhay ko bilang isang tao. Oo marami ang
dumarating na nagbibigay tuwa, lungkot, tawa, kulangot at lung anu-ano pang binigay nila (minsan eh problema!) may mga
dati ng kilala na hindi pa rin nakakalimut at mayroon namang nakalimut na dahil
sa katandaan (JOKE lang!). sa bawat mukhang nailalarawan ay manaiiwang bakas sa
puso’t isipan ko (tinalo pa ata ang permanent ink!). ang buhay ko ay parang
jeepney at ako ang driver nito. At kung ganun, bayad muna bago baba!
BAKIT MAHILIG SA UKAY-UKAY ANG MGA PILIPINO?
Bakit mahilig sa Ukay-Ukay ang mga Pilipino
Ni Jesebel O. Abundabar
"Oi! Ang gaganda naman ng mga shorts mo at blouses! Saan mo binili 'yan?""Naku! mabibigla ka pagnalaman mo. Mga Zara, Mark and Spencers, Polo, DKNY at H &M 'yan.""Wow! Mga branded! ikaw na ang mayaman!".
"Oi! Ukay-ukay ang mga 'yan. Mura lang!"
'Yan ang mga usapang madalas natin marinig sa usapang ukay-ukay. Noong bata pa ako ay wala pang salitang "ukay-ukay". Sa aking pagkakatanda, ang uso noon ay "segundamano". Hanggang sa naging ukay-ukay na ang tawag sa segundamano. Parang animal ang pangalan. Ang ukay sa salitang Bikol na ang ibig sabihin sa tagalog ay unggoy at sa salitang Ingles ay monkey. Unggoy-unggoy. Monkey-monkey. Ha! ha! ha! Ewan ko kung sino nakaimbento nito. Hindi ko alam. Pero may kutob ako na ito ay galing sa salitang "halukay". Pwede! Havey.
Segundamanong pantalon, shortd, T-shirts, blouses, bra, panties, at T-back. Oo, T-back! Kung iisipin, bakit ka bibili ng T-back na segundamano? Aminin mo, nandidiri ka noh? Eh, baka hindi nilabahan! Ha! Ha! Natawa aki. Pero wag ka, may mga taong bumili niyan. Ibabad lang sa muriatic seguradong patay ang germs diyan.
Pili diyan, pili dito. Halukay diyan, halukay dito. Makikita mo ang tuwa sa kanilang mga mukha sa tuwing may mahahanap silang maganda. "Success!"
Sabi ng Auntie ko sa America, madalas daw siya mag-ukay-ukay. Wow! Talaga! Akala ki ko sa Pilipinas lang ito. Mas natuwa ako sa kwento ng ate ko sa Saudi Arabia. Sabi niya pumunta sila ng mga kaibigan niya sa "Haraj", 'yon ang tawag sa ukay-ukay sa Saudi. Pumunta daw sila ng 5AM. Aba! Sarado pa daw ang mga tindahan., pero nakaabang na ang maraming Pilipino sa labas. Parang may sake ng H & M. Mga alasais daw naglatagan na ng mga paninda sa disyertong lupa. Gabundok na ukay-ukay! At ito pa, sako! Oo, sako ang dala ng ating mga kababayan! Swerte mo daw kung may matira sayong maganda.
Naisip ko, sa Pilipinas, mayaman man o mahirap ay mahihilig sa ukay-ukay. Lahat ng dako ng mundo may ukay-ukay, at karamihan mga Pinoy ang namimili. Ang ukay-ukay ay tatak Pilipino.
Bakit nga ba mahilig tayo mag-ukay-ukay?
Ako ay nagtanong-tanong sa ating mga kababayan sa loob at labas ng bansa kung bakit sila mahilig sa ukay-ukay. Ito ang aking mga nakalap na kasagutan:
1. Mura pero may dating
Sa ukay-ukay ka lang makakabili ng original branded na damut sa halagang kayang-kaya. Mayroong tigbebente, sengkwenta, at 'yong T-back na lingere na Victoria's Secret eh limang piso lang!
2. Matibay
Magaganda ang tela, makapal at my dekalidad hindi gaya ng very famous na Made in China.
3. Fashionable
Dahil gawa sa ibang bansa, ito ay may magaganda at kakaibang sense if fashion. Kung gusto mo daw ng swimsuit na para kang artista, sa ukay-ukay ka bumili.
4. Makakadami ka ng mabibili
Sa halagang 500 pesos daw ay maaaring may dalawang plastic bag ka na na nashopping kung magaling ka sa tawaran. Samantalang sa mall, isa lang ang mabibili mo, sale pa.
5. Ito naman ang opinion ko, amoy imported.
Lahat ng ukay-ukay mapa-Pilipinas man yan o ibang bansa ay iisa lang ang amoy, amoy ibang bansa. Havey na havey sa akin ang amoy.
SANITARY ENGINEERING
# SANITARY ENGINEERING
BY:MARK FRANCIS
PARZA
Napakaganda ang Sanitary Engineering. Ang
kursong ito ay tungkol sa kalinisan ng tubig, sa dinaraanan ng tubig sa
kanal,sa mga C.R., sa mga bumi at basura, sa kapaligiran, at sa kalusugan ng
mundo. Gawain ng isang Sanitary Engineer
na panatiliin na malinis ang tubig. Ang mga bawat ginagawang buildings ay
kinakailangang ng isang sanitary engineer para sa C.R at proper disposal ng mga
basura, kinakailangang din ng isang gusali ang “sanitary permits” , kung ito ba
ay ligtas sa mga customers at mga taong nasa paligid ng gusali. Sa isang lugar
ay dapat may sanitary engineer para meron nakakalaman kung malinis pa ba ang
tubig sa isang lugar, kung tama ba ang dinadaluyan ng mga tubig sa kanal, at
kung tama ba ang tinatapunan ng mga basura sa isang lugar.Napakahalaga ang
trabaho ng isang sanitary engineer kung wala sila ay malamang magiging marumi
na ang ating paligid.
Ng makatapos ako ng high school,
ay hindi ko pa talaga alam kung anu ang kukunin kong kurso sa kolehiyo.
Hanggang matake ako ng entrance exam sa P.S.U.(PUBLIC SCHOOL), at nakita ko ang
course na BSSE na pasok naman daw ako doon. Sa mga oras na yun ay walang-wala
talaga akong alam sa kursong kinuha ko.Ng nagsimula na ang parasukan unti-unti
ko na nalalaman ang kursong to. Hindi madali ang kursong ito dahil haft math at
haft science ito, hindi lang simpleng math at science ang mga topic nito. Mahirap pero Masaya. All is well lang, at
sipag lang sa pag-aaral para makapag tapos ng kursong ito.
Kaya kung wala kapang kursong
naiisip o kung gusto mo mag shift, sige na ito na lang ang itry mo, who knows,
baka maka pasa ka at maging isang sanitary engineer. Maganda ito, promise!! At
malamang madami ka pang mapapasukan sa trabahong ito, pwede sa ibang lugar, sa
mga campanies na gumagawa ng buildings o kaya naman sa bayan ninyo. Malamang
Hindi kana mahihirapan pa. Salamat sa pagbabasa, sana may matutunan kayo! J J :D !!!
Lunes, Pebrero 16, 2015
Qualifying Examination ngayong 2014-2015
“Qualifying Examination
ngayong 2014-2015”
ni:John Kim Camacho
Sa ating
pang araw-araw na gawain hindi nabago sa atin ang magkaroon ng isang
pagsusulit.Pagsusulit na dapat nating malagpasan araw-araw.Ang pagsusulit ay
isang pagsubok para ipakita natin kung ano ang ating mga natutuhan.Ito ay hindi
natin inaasahan minsan.Kung sabagay mas maganda nga yun para mapatunayan natin
na may natutuhan tayo kahit papano.Dahil sa pagsusulit mas pwede nating
maintindihan ang isang leksiyon.Dahil din dito nagkakaroon tayo ng lakas ng loob
na makakatulong sa ating hinaharap.
Qualifying
Examination ngayong 2014-2015.Handa nga ba tayo?Handa nga ba ang mga estudyante
na harapin ito?Sa aking pananaw pwede, Oo, hindi.Sa mga pananaw kong yan marami
ka ng maiisip.Maaari kang magkaroon ng mga opinion, lalung lalo na yung mga
estudyanteng sasabak sa exam na ito.Sa sarili mo lang alam mo na ang
sagot.Hindi biro ang isyung ito.Maraming pwedeng mangyari o magbago
pagnagkamali tayo dito.Maraming pwedeng masayang pag hindi natin ito
napagtagumpayan.Ngunit parang di naman nakakatakot di ba?Kasi sa pagkakaalam ko
an gating mga “instructor/professors” sa mga “major subjects” ang gagawa ng mga
tanong.Para malagpasan mo ito o makapasok ka sa susunod na taon kailangan mong
makakuha ng 85%(2.2).Mahirap ba?Kaya kung sa tingin mong mahirap ngayon pa lang
mag-aral.
Ang mga
nakasulat dito ay aking pananaw pwedeng mali pwedeng din namang tama.Magandang
may alam tayo tungkol sa qualifying exam na ito.Kung bakit ito pinatupad at
bakit ito pinapatupad.Dahil sa mababang nakuhang porsyento ng mga nakapasa sa
“Board Exam” kaya ito pinatupad.Ngunit sa aking pananaw di ba ang laki ng
pinagkaiba ng Qualifying Examination sa Board Examination.Pwede kang makapasa
pwede din namang hindi.Maraming pwedeng masayang na araw pag bumagsak ang isang
estudyante dito.At dahil dun pati mga magulang ay apektado rin.Isipin mo na
lang dalawang beses ang qualifying exam nakapasa ka sa una sa pangalawa hindi,
saying di ba?
Qualifying
examination nakakakaba peru makakatulong para malaman kung sino talaga ang
karapat dapat dito.Kung ako tatanungin?Okay lang sa akin ito medyo sang-ayon
ako dito.Kaya ko naman eh.Nakakahiya naman kung babagsak ako dito di ba lalo ng
may nagtitiwala sayo.Nasimulan ko na at kailangan ko itong tapusin hanggang may
nagpapa-aral pa sa akin.Napakahalaga para sa akin ng mga oras, araw, buwan, at
taon na dumadaan kaya dapat ko itong ingatan.
Para sa mga
kaklase ko Sanitary Engineering 1A kabatch ko ngayon pa lang mag-aral na tayo
kaya natin ito tiwala lang.Sa mga kaklase ko na hindi naabot yung 85% n marka
okay lang yan may Qualifying Exam pa di ba?Pwede pang makabawi kung hindi man
napakadami pang ibang kurso ang pwedeng kunin.
#Qualifying Examination
#STUDY#STUDY#STUDY
#Good Luck !! Kaya
natin to.
#JKC14
#thank GOD
Linggo, Pebrero 15, 2015
Ang Aking Ex
Ang aking Ex
ni Kristian Noe P. Bautista
Hindi ko kayang mabuhay ng wala ka
Ikaw na palagi kung iniingatan at pinoprotektahan
Ang siyang nagpapaalala kung paano magmahal!
Minsan ikaw din ang dahilan kung bakit ako nasaktan
Umiyak at nagmukmok ng kay tagal!
Salamat sayo dahil natuto akong umibig at masaktan
Kung wala ka di ko alam kung anu ang ibig sabihin ng tunay na pagmamahal.
Tunay ka ngang misteryo sa aking buhay
Dahil hangang ngayon hindi pa rin ikaw maalis sa aking isipan
Ikaw na naging bahagi ng aking buhay
Na hinding hindi ko makaklimutan hangga't ako'y nabubuhay
Salamat sa ex ko na tinanggap kung ano ako
Ex na siyang nangiwan, lumayo at nagpadugo ng aking puso.
Linggo, Pebrero 8, 2015
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)