"LIBRONG KUMIKINANG"
ni: ISRAEL,MERCY A.
Nabubuhay ng hindi siya kilala
Sa dilim,naglalakad pa ng mag-isa
Miserable buhay na kinamulatan
Nagtatanong sa iba't naguguluhan
Nagnanais tunay na kaligayahan
Kapangyarihan kaya ang kailangan?
Pera ba ang siyang dapat mahawakan?
O maging sa tagumpay at kasikatan?
Isang maliit na libro ang naaninag
Sa mataý kumikinang, di natitinag
Pinagmasda't may gustong maalala
Galing pala sa Ginang na basurera
Pilit na binasa kahit umaayaw
Mga luha ay unti-unti ng umapaw
Ang ulo ay parang inuntog sa bato
Nakalaya sa pagkukulong ang puso
SIYA, tanging dahilan ng pagdurusa
Pagkat hindi tinanggap regalong dala
Napakaliwanag ng ilawang alay
Para sana sa masukal na paglalakbay
Tunay na kaligayahan, natagpuan
Wala sa pera,ginto o kayamanan
Kahit sa kasika't kapangyarihan
Sapagkat SIYA ang kinakailangan
Nag-antay SIYA at di man lang nang-iwan
Kumakatok ngunit hindi siya pinagbuksan
Ngayon ay nagsisisi at handa na
PANGINOON sa buhay ko'y mamuhay ka.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento