Miyerkules, Marso 25, 2015




"KAIBIGAN"   
ni; Rina Mae Cariño

Mahirap hanapin ang mabuti at tunay na kaibigan 
Ang iba'y andiyan lang sa tuwing may kasiyahan 
Kapag dumating ang kagipitan at kabiguan 
Kikilabutan ka't iyong malalaman, 
ang mga kaibigan iyong inaasahan 
Ay babaliwalahin, tatalikuran ka't hahayaan. 


Kung kailangan mo ng masasandalan at may isang  
daang hakbang sa ating pagitan, 
Kunin mo ang isang hakbang upang ako'y malapitan 
At ako naman sa siyam napu't siyam na hakbang para  
ika'y mapuntahan  

Hindi man ako sing 'close' nang close friend mo  
Sing 'daBhest' ng bestfriend mo,   
Hindi man sing perpektong kaibigan na pwede mong takbuhan, 
Lagi mong tatandaan na andito lang ako palagi kapag 
kailangan mo nang kaibigang masasandalan
  

Dumaan man ang maraming panahon 
Dumating man ang bagong henerasyon 
Magdaos man ng gulo't rebolusyon 
Ako pa rin ang kaibigan mong lubos, noon hanggang ngayon! 




Walang komento:

Mag-post ng isang Komento