UNKNOWN
ni: Kathleen Kate Pabia
Nakaupo sa isang sulok
Nakakatitig sa kawalan
Sabay sa pagpatak ng luha
Ang pagbalik ng nakaraan.
Hindi ko lubos maisip
Ako ba ay nagkulang?
Ikaw ba'y napabayaan?
Bakit tila ako lamang ang nasasaktan?
Ganyan, ganyan ang aking naramdaman
Nang ako'y iyong iwanan
Hindi ba't masyadong mabilis at biglaan?
Umalis ka nang hindi nagpapaalam.
Nasaan kana?
Ako'y iyong masdan.
Nag-iisa at walang sigla.
Ikaw ba'y matutuwa o maaawa?
Sa loob loob ko'y nagtatanong,
BAKIT DUMATING KA PA?
BAKIT NAKILALA PA KITA?
kung mang iiwan ka lang pala.
Kailangan ba talagang
maranasan ko ang ganito?
Ang masaktan at lumuha?
Talaga namang ang lupit mo TADHANA!
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento