Bakit mahilig sa Ukay-Ukay ang mga Pilipino
Ni Jesebel O. Abundabar
"Oi! Ang gaganda naman ng mga shorts mo at blouses! Saan mo binili 'yan?""Naku! mabibigla ka pagnalaman mo. Mga Zara, Mark and Spencers, Polo, DKNY at H &M 'yan.""Wow! Mga branded! ikaw na ang mayaman!".
"Oi! Ukay-ukay ang mga 'yan. Mura lang!"
'Yan ang mga usapang madalas natin marinig sa usapang ukay-ukay. Noong bata pa ako ay wala pang salitang "ukay-ukay". Sa aking pagkakatanda, ang uso noon ay "segundamano". Hanggang sa naging ukay-ukay na ang tawag sa segundamano. Parang animal ang pangalan. Ang ukay sa salitang Bikol na ang ibig sabihin sa tagalog ay unggoy at sa salitang Ingles ay monkey. Unggoy-unggoy. Monkey-monkey. Ha! ha! ha! Ewan ko kung sino nakaimbento nito. Hindi ko alam. Pero may kutob ako na ito ay galing sa salitang "halukay". Pwede! Havey.
Segundamanong pantalon, shortd, T-shirts, blouses, bra, panties, at T-back. Oo, T-back! Kung iisipin, bakit ka bibili ng T-back na segundamano? Aminin mo, nandidiri ka noh? Eh, baka hindi nilabahan! Ha! Ha! Natawa aki. Pero wag ka, may mga taong bumili niyan. Ibabad lang sa muriatic seguradong patay ang germs diyan.
Pili diyan, pili dito. Halukay diyan, halukay dito. Makikita mo ang tuwa sa kanilang mga mukha sa tuwing may mahahanap silang maganda. "Success!"
Sabi ng Auntie ko sa America, madalas daw siya mag-ukay-ukay. Wow! Talaga! Akala ki ko sa Pilipinas lang ito. Mas natuwa ako sa kwento ng ate ko sa Saudi Arabia. Sabi niya pumunta sila ng mga kaibigan niya sa "Haraj", 'yon ang tawag sa ukay-ukay sa Saudi. Pumunta daw sila ng 5AM. Aba! Sarado pa daw ang mga tindahan., pero nakaabang na ang maraming Pilipino sa labas. Parang may sake ng H & M. Mga alasais daw naglatagan na ng mga paninda sa disyertong lupa. Gabundok na ukay-ukay! At ito pa, sako! Oo, sako ang dala ng ating mga kababayan! Swerte mo daw kung may matira sayong maganda.
Naisip ko, sa Pilipinas, mayaman man o mahirap ay mahihilig sa ukay-ukay. Lahat ng dako ng mundo may ukay-ukay, at karamihan mga Pinoy ang namimili. Ang ukay-ukay ay tatak Pilipino.
Bakit nga ba mahilig tayo mag-ukay-ukay?
Ako ay nagtanong-tanong sa ating mga kababayan sa loob at labas ng bansa kung bakit sila mahilig sa ukay-ukay. Ito ang aking mga nakalap na kasagutan:
1. Mura pero may dating
Sa ukay-ukay ka lang makakabili ng original branded na damut sa halagang kayang-kaya. Mayroong tigbebente, sengkwenta, at 'yong T-back na lingere na Victoria's Secret eh limang piso lang!
2. Matibay
Magaganda ang tela, makapal at my dekalidad hindi gaya ng very famous na Made in China.
3. Fashionable
Dahil gawa sa ibang bansa, ito ay may magaganda at kakaibang sense if fashion. Kung gusto mo daw ng swimsuit na para kang artista, sa ukay-ukay ka bumili.
4. Makakadami ka ng mabibili
Sa halagang 500 pesos daw ay maaaring may dalawang plastic bag ka na na nashopping kung magaling ka sa tawaran. Samantalang sa mall, isa lang ang mabibili mo, sale pa.
5. Ito naman ang opinion ko, amoy imported.
Lahat ng ukay-ukay mapa-Pilipinas man yan o ibang bansa ay iisa lang ang amoy, amoy ibang bansa. Havey na havey sa akin ang amoy.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento