“Qualifying Examination
ngayong 2014-2015”
ni:John Kim Camacho
Sa ating
pang araw-araw na gawain hindi nabago sa atin ang magkaroon ng isang
pagsusulit.Pagsusulit na dapat nating malagpasan araw-araw.Ang pagsusulit ay
isang pagsubok para ipakita natin kung ano ang ating mga natutuhan.Ito ay hindi
natin inaasahan minsan.Kung sabagay mas maganda nga yun para mapatunayan natin
na may natutuhan tayo kahit papano.Dahil sa pagsusulit mas pwede nating
maintindihan ang isang leksiyon.Dahil din dito nagkakaroon tayo ng lakas ng loob
na makakatulong sa ating hinaharap.
Qualifying
Examination ngayong 2014-2015.Handa nga ba tayo?Handa nga ba ang mga estudyante
na harapin ito?Sa aking pananaw pwede, Oo, hindi.Sa mga pananaw kong yan marami
ka ng maiisip.Maaari kang magkaroon ng mga opinion, lalung lalo na yung mga
estudyanteng sasabak sa exam na ito.Sa sarili mo lang alam mo na ang
sagot.Hindi biro ang isyung ito.Maraming pwedeng mangyari o magbago
pagnagkamali tayo dito.Maraming pwedeng masayang pag hindi natin ito
napagtagumpayan.Ngunit parang di naman nakakatakot di ba?Kasi sa pagkakaalam ko
an gating mga “instructor/professors” sa mga “major subjects” ang gagawa ng mga
tanong.Para malagpasan mo ito o makapasok ka sa susunod na taon kailangan mong
makakuha ng 85%(2.2).Mahirap ba?Kaya kung sa tingin mong mahirap ngayon pa lang
mag-aral.
Ang mga
nakasulat dito ay aking pananaw pwedeng mali pwedeng din namang tama.Magandang
may alam tayo tungkol sa qualifying exam na ito.Kung bakit ito pinatupad at
bakit ito pinapatupad.Dahil sa mababang nakuhang porsyento ng mga nakapasa sa
“Board Exam” kaya ito pinatupad.Ngunit sa aking pananaw di ba ang laki ng
pinagkaiba ng Qualifying Examination sa Board Examination.Pwede kang makapasa
pwede din namang hindi.Maraming pwedeng masayang na araw pag bumagsak ang isang
estudyante dito.At dahil dun pati mga magulang ay apektado rin.Isipin mo na
lang dalawang beses ang qualifying exam nakapasa ka sa una sa pangalawa hindi,
saying di ba?
Qualifying
examination nakakakaba peru makakatulong para malaman kung sino talaga ang
karapat dapat dito.Kung ako tatanungin?Okay lang sa akin ito medyo sang-ayon
ako dito.Kaya ko naman eh.Nakakahiya naman kung babagsak ako dito di ba lalo ng
may nagtitiwala sayo.Nasimulan ko na at kailangan ko itong tapusin hanggang may
nagpapa-aral pa sa akin.Napakahalaga para sa akin ng mga oras, araw, buwan, at
taon na dumadaan kaya dapat ko itong ingatan.
Para sa mga
kaklase ko Sanitary Engineering 1A kabatch ko ngayon pa lang mag-aral na tayo
kaya natin ito tiwala lang.Sa mga kaklase ko na hindi naabot yung 85% n marka
okay lang yan may Qualifying Exam pa di ba?Pwede pang makabawi kung hindi man
napakadami pang ibang kurso ang pwedeng kunin.
#Qualifying Examination
#STUDY#STUDY#STUDY
#Good Luck !! Kaya
natin to.
#JKC14
#thank GOD
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento