Ang Buhay ay isang mahabang paglalakbay...
“Beep! Beep! Beep!”
“PSU! PSU! Oh Goa diyan!”
“Oh dalawa na lang lalarga na!”
“Kaysa pa isa, usog lang ng
unti!”
Maingay, mainit, maalikabok… Iyan
ang buhay sa jeepney. Mga pasaherong papunta sa iba’t-ibang distinasyon. Iyan
ang lagi kong nararanasan bilang isang beteranong pasahero ng jeepney ni manong
driver sweet lover (eww!). bawat araw ko pilang pasahero ay isang bagong
experience na tumatatak sa katauhan ko bilang Noypi!
Nagsisimula ang buhay pasahero sa
parkingan nito. Hindi lang ako ang umaabang sa ala mercedez benz ni manong
driver, mangilan-ngilang estudyante, guro, magulang, tinder at siyempre ang
siempleng tambay sa tindahan ni aling Nena. Tsimpohan rin sa pag-abang sa
jeeepney, kaya wag ka laging pahuhuli! Baka matapat ka sa tambutsuhan, baka
mabugahan ka ng “FREE-PERFUME” na dinaig pa ang /bench at aficionado sa sobrang
bango! Pramess!
Isa lang naman ang ayaw kong
challenge bilang pasahero: ANG MAKIPAG-UNAHAN SA PASAHERO! Para ata akong
sumali sa 1 vs 100 sa tindi ng tulakan! Tinalo pa ang stampeded sa LRT at MRT.
Feel ko tuloy para akong Last minute shop sa Divisoria, ayos diba? Minsan buwis
buhay pa kasi pasahero na mismo ang umaabang sa humaharurot na jeep!
Speaking of pasahero, Marami-rami na
rin akong na obserbahan sa kanila at klinasify ko pa ang katauhan nila!
·
Unli
FB-
pasaherong laging nakaonline kadalasan sa android pone nila. Sila rin yung
kadalasang nakakalampas sa distinasyon nila (#FBPaMore!).
·
The
Emo-
yung mga pasaherong nakaside-view habang dumudungaw sa bontana na akala mo may
shooting sa MTV para sa bagong music video. Additional points kung may hawak
pang gitara o kaya naman ay naka headset.
·
MTV-
yung
laging naka earphone o kung mayaman eh naka headset na kasing laki ng platito.
Minsan ay may pa “beat-beat” pa at kung talagang feel na feel na sa music,
nangli- lip-sync
·
Bubble
Gang- AKA
“Arkilado-nila-ang-jeep” Gang. Sila yung grupo ng pasahero (kadalasan
estudyanteng malalandi! ^___^V peace!) na di nauubusan ng kwento na kala mo
hindi nagkita ng ilang dekada! Sila rin ang tinaguriang “Center of Destruction”
sa jeepney, at kadalasang epicenter ng tsismis!
·
Friendship-
sila ang mga kakilala mong hindi nakakalimut! Hindi sapat sakanya ang smile
lang, kasi marami siang kwentong pasalubong sayo buhat ng matagal na pagkalayo.
·
E=mc2-
tina-
tinaguriang “Long lost brother” ni Einstein. Sila yung walang sawang kakaa-aral
kahit pasabugin pa ng MILF ang jeep!
·
Messenger-
pinsan
nila Unli FB at MTV . Ang kaibahan nga lang, todo-todo ang pag-text at kung
mayaman eh may call pa!
·
Forget
me yes!- opposite sia ni friendship. Sia ang ayaw mong
makita kasi kahit tawagin mo na’y wa epek pa rin.
·
No
other woman- AKA “kabit” ng jeep! Sila ang taga
kabit sa jeep ni manong!
·
Shop
‘til you drop- sila yung akala mo eh namakyaw na ng mga
tindahan sa Divisoria!
·
Freer
taste section- mga mababaeng may mahahabang buhok na
kala mo may free taste ng bagong brand
ng noodles.
·
Artist
of the year- mga reklamador awardee. Sila yung
madikitan lang ng unti eh nanermon na na kala mo menoposal! Minsan ay may irap
pang kasama! Pang FAMAS award eh!
·
Lovers
in Paris- magkasintahang tudo kung maglandian este maglambing
na kala mo gumagawa ng movie sa jeepney! Di rin maiwasan na pandirian at
tsismisan ang ganitong klase ng pasahero. PDA kasi eh!
·
Parabolic
Section- (note: para lang to sa lalaki) sila yung mga manong
na kung makabukaka eh wagas! Sila rin ang palugi ki manong kasi imbes na
dalawahan eh nagiging isahan na lang!
·
May
hang-over sa NEW YEAR- sila ang pinakaayaw mong katabi
dahil sa taglay nitong lakas na kayang talunin ang sinumang superhero dahil sa
paPUTOK nito!
At siempre di rin mawawala ang…
·
Kinawawa-
sila yung kadalasang 2 inches na lang ang inuupuaan. Lugi
sila sa pamasahe at nagiging inipit kapag nagpreno ang jeep!
Sa
dinami daming ng aking minahal este co-pasahero ko, masasabing ang simpleng pag-sakay
sa jeepney ay sumasalamin na sa buhay ko bilang isang tao. Oo marami ang
dumarating na nagbibigay tuwa, lungkot, tawa, kulangot at lung anu-ano pang binigay nila (minsan eh problema!) may mga
dati ng kilala na hindi pa rin nakakalimut at mayroon namang nakalimut na dahil
sa katandaan (JOKE lang!). sa bawat mukhang nailalarawan ay manaiiwang bakas sa
puso’t isipan ko (tinalo pa ata ang permanent ink!). ang buhay ko ay parang
jeepney at ako ang driver nito. At kung ganun, bayad muna bago baba!
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento