"LIBRONG KUMIKINANG"
ni: ISRAEL,MERCY A.
Nabubuhay ng hindi siya kilala
Sa dilim,naglalakad pa ng mag-isa
Miserable buhay na kinamulatan
Nagtatanong sa iba't naguguluhan
Nagnanais tunay na kaligayahan
Kapangyarihan kaya ang kailangan?
Pera ba ang siyang dapat mahawakan?
O maging sa tagumpay at kasikatan?
Isang maliit na libro ang naaninag
Sa mataý kumikinang, di natitinag
Pinagmasda't may gustong maalala
Galing pala sa Ginang na basurera
Pilit na binasa kahit umaayaw
Mga luha ay unti-unti ng umapaw
Ang ulo ay parang inuntog sa bato
Nakalaya sa pagkukulong ang puso
SIYA, tanging dahilan ng pagdurusa
Pagkat hindi tinanggap regalong dala
Napakaliwanag ng ilawang alay
Para sana sa masukal na paglalakbay
Tunay na kaligayahan, natagpuan
Wala sa pera,ginto o kayamanan
Kahit sa kasika't kapangyarihan
Sapagkat SIYA ang kinakailangan
Nag-antay SIYA at di man lang nang-iwan
Kumakatok ngunit hindi siya pinagbuksan
Ngayon ay nagsisisi at handa na
PANGINOON sa buhay ko'y mamuhay ka.
Martes, Marso 31, 2015
Miyerkules, Marso 25, 2015
"KAIBIGAN"
ni; Rina Mae Cariño
Mahirap hanapin ang mabuti at tunay na kaibigan
Ang iba'y andiyan lang sa tuwing may kasiyahan
Kapag dumating ang kagipitan at kabiguan
Kikilabutan ka't iyong malalaman,
ang mga kaibigan iyong inaasahan
Ay babaliwalahin, tatalikuran ka't hahayaan.
Kung kailangan mo ng masasandalan at may isang
daang hakbang sa ating pagitan,
Kunin mo ang isang hakbang upang ako'y malapitan
At ako naman sa siyam napu't siyam na hakbang para
ika'y mapuntahan
Hindi man ako sing 'close' nang close friend mo
Sing 'daBhest' ng bestfriend mo,
Hindi man sing perpektong kaibigan na pwede mong takbuhan,
Lagi mong tatandaan na andito lang ako palagi kapag
kailangan mo nang kaibigang masasandalan
Dumaan man ang maraming panahon
Dumating man ang bagong henerasyon
Magdaos man ng gulo't rebolusyon
Ako pa rin ang kaibigan mong lubos, noon hanggang ngayon!
UNKNOWN
ni: Kathleen Kate Pabia
Nakaupo sa isang sulok
Nakakatitig sa kawalan
Sabay sa pagpatak ng luha
Ang pagbalik ng nakaraan.
Hindi ko lubos maisip
Ako ba ay nagkulang?
Ikaw ba'y napabayaan?
Bakit tila ako lamang ang nasasaktan?
Ganyan, ganyan ang aking naramdaman
Nang ako'y iyong iwanan
Hindi ba't masyadong mabilis at biglaan?
Umalis ka nang hindi nagpapaalam.
Nasaan kana?
Ako'y iyong masdan.
Nag-iisa at walang sigla.
Ikaw ba'y matutuwa o maaawa?
Sa loob loob ko'y nagtatanong,
BAKIT DUMATING KA PA?
BAKIT NAKILALA PA KITA?
kung mang iiwan ka lang pala.
Kailangan ba talagang
maranasan ko ang ganito?
Ang masaktan at lumuha?
Talaga namang ang lupit mo TADHANA!
Martes, Marso 24, 2015
TIGSIK
ni : Archie R. Piloneo
Tigsik ko ang samuyang klase aba anang riribok mi permi
Saro na ako duman na dae mapahuri
Kami maugma permi, kaya dae ka magiging lonely
Kaya kung permi kang tuninong sa klase, mag asa ka nang permi kang OP.
Tigsik ko man ang mga kaklase kong para DOTA
Kada vacant nasa LEE VI'S permi sinda
Kung subject sana ang pagdoDOTA baad FLAT1 na grades ninda
Kaya kung maghapot ka sa klase kung isay regular sa LEE VI'S permi sarabay masabing si JOSE.
Ako naugma, QUALIFYING EXAM mayo na daa
Bako sa rason na dae ko kaya
kundi habo ko na mabawasan ang SE1A na mga BOA-BOA
Ta saro sinda sa nagpapaugma sako ning sobra sobra.
Tigsik ko ang FILIPINO subject na an
Ta tigmamaliit ko sana pati an
Pero kas nag-abot si SIR LIBANG
Ipinamukha niya samo na ang FILIPINO subject na dae tig "FILIPINO SANA AN"
Digdi tigtapos ko na ang sakuyang tigsik
Guys sana dae magbag'o ang satong pag-iriba
Tsaka sana maugma kamo sa sakong OBRA
Tanganing halangkaw ang marka ko na makua
Sabado, Marso 21, 2015
"Kabataan ngayon,Nasaan ka?"
NI: MARY JINE A.NAREZ
Mga kabataan ngayon,
Ohh aking kapwa mga kabataan,
Nasaan kayo ngayon?
Ngayon na tayoy kailangan ng bayan.
Ohh aking kapwa mga kabataan,
Nasaan kayo ngayon?
Ngayon na tayoy kailangan ng bayan.
Nasaan na ang sinasabing pag-asa ng bayan?
Ngayon ay nakalugmok sa karimlan,
Halina't magpakatatag at bumangon,
Mga unos at dagok ay labanan.
Ngayon ay nakalugmok sa karimlan,
Halina't magpakatatag at bumangon,
Mga unos at dagok ay labanan.
Sa kahirapan tayo ay umahon,
Edukasyon ang nag-iisang sulosyon,
Pag-aaral ay ating unahin,
Mga magulang ay wag biguin.
Edukasyon ang nag-iisang sulosyon,
Pag-aaral ay ating unahin,
Mga magulang ay wag biguin.
Halina't imulat ang ating mga mata,
Sa mga realisasyong nagaganap na,
Tayo na at makibaka,
Sa pagsubok ng bawat isa.
Sa mga realisasyong nagaganap na,
Tayo na at makibaka,
Sa pagsubok ng bawat isa.
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)