Linggo, Pebrero 22, 2015

Jeepney ng buhay ko! By: Andyl Joy Negro

Ang Buhay ay isang mahabang paglalakbay... 

“Beep! Beep! Beep!”
“PSU! PSU! Oh Goa diyan!”
“Oh dalawa na lang lalarga na!”
“Kaysa pa isa, usog lang ng unti!”

            Maingay, mainit, maalikabok… Iyan ang buhay sa jeepney. Mga pasaherong papunta sa iba’t-ibang distinasyon. Iyan ang lagi kong nararanasan bilang isang beteranong pasahero ng jeepney ni manong driver sweet lover (eww!). bawat araw ko pilang pasahero ay isang bagong experience na tumatatak sa katauhan ko bilang Noypi!

            Nagsisimula ang buhay pasahero sa parkingan nito. Hindi lang ako ang umaabang sa ala mercedez benz ni manong driver, mangilan-ngilang estudyante, guro, magulang, tinder at siyempre ang siempleng tambay sa tindahan ni aling Nena. Tsimpohan rin sa pag-abang sa jeeepney, kaya wag ka laging pahuhuli! Baka matapat ka sa tambutsuhan, baka mabugahan ka ng “FREE-PERFUME” na dinaig pa ang /bench at aficionado sa sobrang bango! Pramess!

            Isa lang naman ang ayaw kong challenge bilang pasahero: ANG MAKIPAG-UNAHAN SA PASAHERO! Para ata akong sumali sa 1 vs 100 sa tindi ng tulakan! Tinalo pa ang stampeded sa LRT at MRT. Feel ko tuloy para akong Last minute shop sa Divisoria, ayos diba? Minsan buwis buhay pa kasi pasahero na mismo ang umaabang sa humaharurot na jeep!

            Speaking of pasahero, Marami-rami na rin akong na obserbahan sa kanila at klinasify ko pa ang katauhan nila!

·         Unli FB- pasaherong laging nakaonline kadalasan sa android pone nila. Sila rin yung kadalasang nakakalampas sa distinasyon nila (#FBPaMore!).
·         The Emo- yung mga pasaherong nakaside-view habang dumudungaw sa bontana na akala mo may shooting sa MTV para sa bagong music video. Additional points kung may hawak pang gitara o kaya naman ay naka headset.
·         MTV- yung laging naka earphone o kung mayaman eh naka headset na kasing laki ng platito. Minsan ay may pa “beat-beat” pa at kung talagang feel na feel na sa music, nangli- lip-sync
·         Bubble Gang-  AKA “Arkilado-nila-ang-jeep” Gang. Sila yung grupo ng pasahero (kadalasan estudyanteng malalandi! ^___^V peace!) na di nauubusan ng kwento na kala mo hindi nagkita ng ilang dekada! Sila rin ang tinaguriang “Center of Destruction” sa jeepney, at kadalasang epicenter ng tsismis!
·         Friendship- sila ang mga kakilala mong hindi nakakalimut! Hindi sapat sakanya ang smile lang, kasi marami siang kwentong pasalubong sayo buhat ng matagal na pagkalayo.
·         E=mc2- tina- tinaguriang “Long lost brother” ni Einstein. Sila yung walang sawang kakaa-aral kahit pasabugin pa ng MILF ang jeep!
·         Messenger- pinsan nila Unli FB at MTV . Ang kaibahan nga lang, todo-todo ang pag-text at kung mayaman eh may call pa!
·         Forget me yes!- opposite sia ni friendship. Sia ang ayaw mong makita kasi kahit tawagin mo na’y wa epek pa rin.
·         No other woman- AKA “kabit” ng jeep! Sila ang taga kabit sa jeep ni manong!
·         Shop ‘til you drop- sila yung akala mo eh namakyaw na ng mga tindahan sa Divisoria!
·         Freer taste section- mga mababaeng may mahahabang buhok na kala mo may free taste  ng bagong brand ng noodles.
·         Artist of the year- mga reklamador awardee. Sila yung madikitan lang ng unti eh nanermon na na kala mo menoposal! Minsan ay may irap pang kasama! Pang FAMAS award eh!
·         Lovers in Paris- magkasintahang tudo kung maglandian este maglambing na kala mo gumagawa ng movie sa jeepney! Di rin maiwasan na pandirian at tsismisan ang ganitong klase ng pasahero. PDA kasi eh!
·         Parabolic Section- (note: para lang to sa lalaki) sila yung mga manong na kung makabukaka eh wagas! Sila rin ang palugi ki manong kasi imbes na dalawahan eh nagiging isahan na lang!
·         May hang-over sa NEW YEAR- sila ang pinakaayaw mong katabi dahil sa taglay nitong lakas na kayang talunin ang sinumang superhero dahil sa paPUTOK nito!

At siempre di rin mawawala ang…
·         Kinawawa- sila yung kadalasang 2 inches na lang ang inuupuaan. Lugi sila sa pamasahe at nagiging inipit kapag nagpreno ang jeep!

Sa dinami daming ng aking minahal este co-pasahero ko, masasabing ang simpleng pag-sakay sa jeepney ay sumasalamin na sa buhay ko bilang isang tao. Oo marami ang dumarating na nagbibigay tuwa, lungkot, tawa, kulangot at lung anu-ano  pang binigay nila (minsan eh problema!) may mga dati ng kilala na hindi pa rin nakakalimut at mayroon namang nakalimut na dahil sa katandaan (JOKE lang!). sa bawat mukhang nailalarawan ay manaiiwang bakas sa puso’t isipan ko (tinalo pa ata ang permanent ink!). ang buhay ko ay parang jeepney at ako ang driver nito. At kung ganun, bayad muna bago baba!

BAKIT MAHILIG SA UKAY-UKAY ANG MGA PILIPINO?



Bakit mahilig sa Ukay-Ukay ang mga Pilipino
 Ni Jesebel O. Abundabar

"Oi! Ang gaganda naman ng mga shorts mo at blouses! Saan mo binili 'yan?""Naku! mabibigla ka pagnalaman mo. Mga Zara, Mark and Spencers, Polo, DKNY at H &M 'yan.""Wow! Mga branded! ikaw na ang mayaman!".
"Oi! Ukay-ukay ang mga 'yan. Mura lang!"


'Yan ang mga usapang madalas natin marinig sa usapang ukay-ukay. Noong bata pa ako ay wala pang salitang "ukay-ukay". Sa aking pagkakatanda, ang uso noon ay "segundamano". Hanggang sa naging ukay-ukay na ang tawag sa segundamano. Parang animal ang pangalan. Ang ukay sa salitang Bikol na ang ibig sabihin sa tagalog ay unggoy at sa salitang Ingles ay monkey. Unggoy-unggoy. Monkey-monkey. Ha! ha! ha! Ewan ko kung sino nakaimbento nito. Hindi ko alam. Pero may kutob ako na ito ay galing sa salitang "halukay". Pwede! Havey. 

Segundamanong pantalon, shortd, T-shirts, blouses, bra, panties, at T-back. Oo, T-back! Kung iisipin, bakit ka bibili ng T-back na segundamano? Aminin mo, nandidiri ka noh?  Eh, baka hindi nilabahan! Ha! Ha! Natawa aki. Pero wag ka, may mga taong bumili niyan. Ibabad lang sa muriatic seguradong patay ang germs diyan. 

Pili diyan, pili dito. Halukay diyan, halukay dito. Makikita mo ang tuwa sa kanilang mga mukha sa tuwing may mahahanap silang maganda. "Success!"

Sabi ng Auntie ko sa America, madalas daw siya mag-ukay-ukay. Wow! Talaga! Akala ki ko sa Pilipinas lang ito. Mas natuwa ako sa kwento ng ate ko sa Saudi Arabia. Sabi niya pumunta sila ng mga kaibigan niya sa "Haraj", 'yon ang tawag sa ukay-ukay sa Saudi. Pumunta daw sila ng 5AM. Aba! Sarado pa daw ang mga tindahan., pero nakaabang na ang maraming Pilipino sa labas. Parang may sake ng H & M. Mga alasais daw naglatagan na ng mga paninda sa disyertong lupa. Gabundok na ukay-ukay! At ito pa, sako! Oo, sako ang dala ng ating mga kababayan! Swerte mo daw kung may matira sayong maganda. 

Naisip ko, sa Pilipinas, mayaman man o mahirap ay mahihilig sa ukay-ukay. Lahat ng dako ng mundo may ukay-ukay, at karamihan mga Pinoy ang namimili. Ang ukay-ukay ay tatak Pilipino. 

Bakit nga ba mahilig tayo mag-ukay-ukay?
Ako ay nagtanong-tanong sa ating mga kababayan sa loob at labas ng bansa kung bakit sila mahilig sa ukay-ukay. Ito ang aking mga nakalap na kasagutan:

1. Mura pero may dating

Sa ukay-ukay ka lang makakabili ng original branded na damut sa halagang kayang-kaya. Mayroong tigbebente, sengkwenta, at 'yong T-back na lingere na Victoria's Secret eh limang piso lang! 

2. Matibay

Magaganda ang tela, makapal at my dekalidad hindi gaya ng very famous na Made in China.

3. Fashionable

Dahil gawa sa ibang bansa, ito ay may magaganda at kakaibang sense if fashion. Kung gusto mo daw ng swimsuit na para kang artista, sa ukay-ukay ka bumili.

4. Makakadami ka ng mabibili

Sa halagang 500 pesos daw ay maaaring may dalawang plastic bag ka na na nashopping kung magaling ka sa tawaran. Samantalang sa mall, isa lang ang mabibili mo, sale pa. 

5. Ito naman ang opinion ko, amoy imported.

Lahat ng ukay-ukay mapa-Pilipinas man yan o ibang bansa ay iisa lang ang amoy, amoy ibang bansa. Havey na havey sa akin ang amoy.

SANITARY ENGINEERING

# SANITARY ENGINEERING
BY:MARK FRANCIS PARZA
                Napakaganda ang Sanitary Engineering. Ang kursong ito ay tungkol sa kalinisan ng tubig, sa dinaraanan ng tubig sa kanal,sa mga C.R., sa mga bumi at basura, sa kapaligiran, at sa kalusugan ng mundo.  Gawain ng isang Sanitary Engineer na panatiliin na malinis ang tubig. Ang mga bawat ginagawang buildings ay kinakailangang ng isang sanitary engineer para sa C.R at proper disposal ng mga basura, kinakailangang din ng isang gusali ang “sanitary permits” , kung ito ba ay ligtas sa mga customers at mga taong nasa paligid ng gusali. Sa isang lugar ay dapat may sanitary engineer para meron nakakalaman kung malinis pa ba ang tubig sa isang lugar, kung tama ba ang dinadaluyan ng mga tubig sa kanal, at kung tama ba ang tinatapunan ng mga basura sa isang lugar.Napakahalaga ang trabaho ng isang sanitary engineer kung wala sila ay malamang magiging marumi na ang ating paligid.
                Ng makatapos ako ng high school, ay hindi ko pa talaga alam kung anu ang kukunin kong kurso sa kolehiyo. Hanggang matake ako ng entrance exam sa P.S.U.(PUBLIC SCHOOL), at nakita ko ang course na BSSE na pasok naman daw ako doon. Sa mga oras na yun ay walang-wala talaga akong alam sa kursong kinuha ko.Ng nagsimula na ang parasukan unti-unti ko na nalalaman ang kursong to. Hindi madali ang kursong ito dahil haft math at haft science ito, hindi lang simpleng math at science ang mga topic nito.  Mahirap pero Masaya. All is well lang, at sipag lang sa pag-aaral para makapag tapos ng kursong ito.

                Kaya kung wala kapang kursong naiisip o kung gusto mo mag shift, sige na ito na lang ang itry mo, who knows, baka maka pasa ka at maging isang sanitary engineer. Maganda ito, promise!! At malamang madami ka pang mapapasukan sa trabahong ito, pwede sa ibang lugar, sa mga campanies na gumagawa ng buildings o kaya naman sa bayan ninyo. Malamang Hindi kana mahihirapan pa. Salamat sa pagbabasa, sana may matutunan kayo! J J :D !!! 

Lunes, Pebrero 16, 2015

Qualifying Examination ngayong 2014-2015

“Qualifying Examination ngayong 2014-2015”
ni:John Kim Camacho

            Sa ating pang araw-araw na gawain hindi nabago sa atin ang magkaroon ng isang pagsusulit.Pagsusulit na dapat nating malagpasan araw-araw.Ang pagsusulit ay isang pagsubok para ipakita natin kung ano ang ating mga natutuhan.Ito ay hindi natin inaasahan minsan.Kung sabagay mas maganda nga yun para mapatunayan natin na may natutuhan tayo kahit papano.Dahil sa pagsusulit mas pwede nating maintindihan ang isang leksiyon.Dahil din dito nagkakaroon tayo ng lakas ng loob na makakatulong sa ating hinaharap.
            Qualifying Examination ngayong 2014-2015.Handa nga ba tayo?Handa nga ba ang mga estudyante na harapin ito?Sa aking pananaw pwede, Oo, hindi.Sa mga pananaw kong yan marami ka ng maiisip.Maaari kang magkaroon ng mga opinion, lalung lalo na yung mga estudyanteng sasabak sa exam na ito.Sa sarili mo lang alam mo na ang sagot.Hindi biro ang isyung ito.Maraming pwedeng mangyari o magbago pagnagkamali tayo dito.Maraming pwedeng masayang pag hindi natin ito napagtagumpayan.Ngunit parang di naman nakakatakot di ba?Kasi sa pagkakaalam ko an gating mga “instructor/professors” sa mga “major subjects” ang gagawa ng mga tanong.Para malagpasan mo ito o makapasok ka sa susunod na taon kailangan mong makakuha ng 85%(2.2).Mahirap ba?Kaya kung sa tingin mong mahirap ngayon pa lang mag-aral.
            Ang mga nakasulat dito ay aking pananaw pwedeng mali pwedeng din namang tama.Magandang may alam tayo tungkol sa qualifying exam na ito.Kung bakit ito pinatupad at bakit ito pinapatupad.Dahil sa mababang nakuhang porsyento ng mga nakapasa sa “Board Exam” kaya ito pinatupad.Ngunit sa aking pananaw di ba ang laki ng pinagkaiba ng Qualifying Examination sa Board Examination.Pwede kang makapasa pwede din namang hindi.Maraming pwedeng masayang na araw pag bumagsak ang isang estudyante dito.At dahil dun pati mga magulang ay apektado rin.Isipin mo na lang dalawang beses ang qualifying exam nakapasa ka sa una sa pangalawa hindi, saying di ba?
            Qualifying examination nakakakaba peru makakatulong para malaman kung sino talaga ang karapat dapat dito.Kung ako tatanungin?Okay lang sa akin ito medyo sang-ayon ako dito.Kaya ko naman eh.Nakakahiya naman kung babagsak ako dito di ba lalo ng may nagtitiwala sayo.Nasimulan ko na at kailangan ko itong tapusin hanggang may nagpapa-aral pa sa akin.Napakahalaga para sa akin ng mga oras, araw, buwan, at taon na dumadaan kaya dapat ko itong ingatan.
           
            Para sa mga kaklase ko Sanitary Engineering 1A kabatch ko ngayon pa lang mag-aral na tayo kaya natin ito tiwala lang.Sa mga kaklase ko na hindi naabot yung 85% n marka okay lang yan may Qualifying Exam pa di ba?Pwede pang makabawi kung hindi man napakadami pang ibang kurso ang pwedeng kunin.


#Qualifying Examination
#STUDY#STUDY#STUDY
#Good Luck !! Kaya natin to.
#JKC14
#thank GOD            

Linggo, Pebrero 15, 2015

Ang Aking Ex


Ang aking Ex
ni Kristian Noe P. Bautista



Hindi ko kayang mabuhay ng wala ka
Ikaw na palagi kung iniingatan at pinoprotektahan
Ang siyang nagpapaalala kung paano magmahal!
Minsan ikaw din ang dahilan kung bakit ako nasaktan
Umiyak at nagmukmok ng kay tagal!
Salamat sayo dahil natuto akong umibig at masaktan
Kung wala ka di ko alam kung anu ang ibig sabihin ng tunay na pagmamahal.
Tunay ka ngang misteryo sa aking buhay
Dahil hangang ngayon hindi pa rin ikaw maalis sa aking isipan
Ikaw na naging bahagi ng aking buhay
Na hinding hindi ko makaklimutan hangga't ako'y nabubuhay
Salamat sa ex ko na tinanggap kung ano ako
Ex na siyang nangiwan, lumayo at nagpadugo ng aking puso.

Linggo, Pebrero 8, 2015